Skip to content

Kalayaan Ng Pilipinas Essay Contest

Senator Panfilo Lacson, a Caviteño, leads the celebration in Kawit, Cavite, where Philippine independence was declared 119 years ago, on June 12, 1898

INDEPENDENCE DAY 2017. Senator Panfilo Lacson was the guest speaker during the 119th independence day celebration in Kawit, Cavite. Photo from Senator Lacson's office

MANILA, Philippines – Senator Panfilo Lacson was the guest speaker during the 119th Independence Day celebration in Kawit, Cavite, where the proclamation was made on June 12,1898.

The senator was joined by Tourism Secretary Wanda Teo in commemorating the country's independence.

Lacson, who hails from Cavite, urged the public not to forget the sacrifices of the earlier generations, and thanked the military and the police for securing the country's territory and safety, especially amid the clashes in Marawi City.

We may not all agree with him, the senator said, but he thinks having a president who unexpectedly rose to power and who deals with the country's longrunning problems differently from how his predecessors did could be our chance at hope and change.

Here is the full text of his speech entitled "Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-samang Balikatin."

Ang kalayaang nakamit dahil ipinagmakaawa lamang ay walang kabuluhan. Hindi tulad ng kasarinlang pinagpanalunan matapos ipaglaban. Noong ika-12 ng Hunyo 1898, ang mga puwersang rebolusyonaryo sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo ay nagtipon-tipon sa mismong lugar na ito ng bayan ng Kawit, na ang tawag pa noon ay Cavite Dos del Viejo, upang basahin sa publiko ang proklamasyon ng kasarinlan ng sambayanang Pilipino, bilang pagpapahayag ng kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas mula sa kolonyalismong pananakop ng bansang Espanya.

Kaagad sinundan ito nang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas habang tinutugtog at hinihimig sa kauna-unahang pagkakataon ang ating Pambansang Awit na ang titik ay iniakda ng isa ring Kabitenyo, si Julian Felipe, na isinilang sa kalapit na lungsod ng Cavite.

Ang pagtitipon nila noon ay siya ring dahilan kung bakit tayo nagkasama-sama ngayong umaga, ang ipagdiwang ang kasarinlan ng Pilipinas. Hindi lamang ito isang napakahalagang milyahe para sa ating bayan. Sa katunayan, ang proklamasyon ng ating kalayaan, 119 taon na ang nakakalipas ang naghudyat ng pagusbong ng kauna-unahang republika sa buong Asya.

Nag-iwan din ng tatak sa kasaysayan ng buong kontinente ng Asya ang rebolusyong Pilipino bilang unang nag-aklas laban sa pananakop ng mga dayuhang Kanluranin. Saksi ang mundo sa ating pakikibaka, pati na rin sa matagumpay nitong pagtatapos.

Dugo ng ating mga magigiting at dakilang bayani ang ipinadinilig sa malayang lupaing kinatatayuan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

Matatandaan nito ang ating pakikiisa sa pagtaas ng watawat mula Lunes hanggang Biyernes, na kapag Lunes ng umaga ay nagtatagpo-tagpo sa harap ng tagdan ng watawat ang mga kawani ng pamahalaan para sa panunumpa sa tungkuling kanilang gagampanan sa buong linggong kakaharapin.

Sinadyang gawing makabuluhan ni Marcela Agoncillo ang simbolo ng ating watawat – ang kahulugan ng kulay na pula, puti, bughaw, at dilaw, pati na rin ang diwang sinasagisag ng walong sinag ng araw, at tatlong bituin na nakapaloob sa isang tatsulok. Sa kabuuhan, mahalaga ang mensahe nito: nakamit na nga natin ang inaasam na kalayaan mula sa mga mapaniil na banyagang mananakop.

Huwag sana nating kakalimutan ang higit tatlong siglong pinaghirapan at pinunan ng dugo at pawis ng ating mga ninuno upang maging isang ganap na malayang bansa ang tinatamasa natin ngayon.

Salamat sa libo-libong bayaning Pilipinong nanindigan at nagbuwis ng kanilang buhay. Hayagan na natin ngayon na iwawagayway ang ating bandila kapantay ng ibang bansang malaya at may kasarinlan.

Sa tuwing napapag-uusapan ang kasaysayan ng Pilipinas, hindi maiiwasan ang pag-usbong ng sari-saring kuro-kuro patungkol sa kahulugan ng katagang “kalayaan.”

Hindi maiiwasang maitanong – ganap nga bang malaya ang sambayanang Pilipino?

Kung ating susuriing mabuti, masasabi nating nakawala na nga tayo sa dilim ng ating kahapon – lumipas na ang panahon ng mga banyagang manunupil ng ating bansa, wala na tayo sa katayuan ng rebolusyonaryong pakikibaka laban sa kolonyalismo.

Nguni't hindi nangangahulugang nakaungos na tayo sa mga banta at paninindak sa ating Inang Bayan.

Sa aking pagmumuni, aking napagtanto na marami pa ring bagay-bagay na patuloy na sumisiil sa ating kalayaan. Kabilang na rito ang kahirapang dulot ng talamak na katiwalian, na siya ring pangunahing suliranin na patuloy na sumasakal at bumibihag sa ating ekonomiya, lalo na sa mga kapus-palad na Pilipinong nagsusumikap na makaahon sa kahirapan.

Hindi lamang ito. Higit pang nakapanlulumo ang karagdagang suliraning maituturing natin na isang makabagong pakikibaka: ang kaliwa’t kanang banta ng terorismo at panganib na dulot ng karahasan, ang malaking perwisyo na dulot ng ipinagbabawal na gamot, at ang pagkabulag sa paniniwala na maaaring iituring na panatismo.

Hindi natin maitatanggi na nahaharap tayong muli sa makabagong hamon laban sa mga indibidwal at iba’t ibang grupo na tila ba ay nagpupumilit umagaw sa kalayaan at mapayapang pamumuhay na noon pa man ay atin nang ipinaglalaban.

Mahigit dalawang linggo lamang ang nakakaraan nang balutin ng takot at pangamba ang lungsod ng Marawi sa lalawigan ng Lanao del Sur matapos itong pag-alsahan at kupkupin ng mga armadong pangkat na nakikipag-alyansa sa teroristang grupo.

Maraming buhay na ang naging kapalit ng labanan. Ayon sa huling ulat, mahigit 200 na ang naitalang namatay, kung saan hindi kukulangin sa 191 ay mula sa bandidong grupong Maute, 58 ay mula sa panig ng ating kapulisan at kasundaluhan, at hindi pa tiyak na bilang ng mga sibilyan.

Nitong Biyernes ng gabi lamang, 13 sundalong Marino ang nasawi habang 40 ang nasugatan.

Sa puntong ito, nais kong bigyang pugay ang mga makabagong Katipunero ng ating bansa: ang ating mga sundalo at pulis na araw at gabi ay patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay sa ngalan ng serbisyo publiko upang pangalagaan ang kapayapaan sampu ng kaligtasan nating lahat laban sa kriminalidad at iba pang salot ng lipunan.

Marami nang naluklok at natapos magsilbi bilang Pangulo ng ating bansa. Manaka-naka’y tinatanong natin ang ating sarili: may pagbabago ba? Kapag ang sagot ay wala, nagtatanong tayo muli, bakit kaya?

Sa panahong kasalukuyan, dumating sa ating buhay ang isang pangulo na sa kanyang sariling guni-guni, pati sa kaisipan ng napakaraming Pilipino, ay hihindi sumapit na maging pangulo pala ng Pilipinas. Sa aking sariling opinyon at pagninilay-nilay gamit ang praktikal na lohika, kapag ang pinuno ay naiiba sa mga nauna sa kanya, mas may magandang pagkakataon magkaroon ng pag-asa at pagbabago.

Maaring ako ay mali o tama. Maaring kayo ay sang-ayon o hindi. At hindi ko naman kayo maaaring piliting yakapin ang aking paniniwala. Subali’t ako ang pangunahing tagapagsalita, kaya kahit pansamantala, wala kayong magagawa kundi dinggin ang aking pananalita.

Mga ilang ulit nang naisulat sa mga pahina ng kasaysayan kung paano nagging sangkap ang pagkakaisa nating mga Pilipino tungo sa pagkakamit ng iisang mithiin. Maraming ulit na nating napatunayan na kaya natin malampasan ang anumang uri ng pagsubok dulot ng pagmamalupit at pagmamalabis sa ating bayan.

Para sa ating lahat na naririto, ang pakikipaglaban para sa kalayaan ay hindi nagtapos kasabay ng proklamasyon ni Heneral Aguinaldo mahigit isang siglo na ang nakakalipas. Ang kalayaan ay hindi ginugunita bilang isang kabanata lamang ng kasaysayan. Manapa’y ito ay patuloy na ipinaglalaban at inaalagaan para sa kasalukuyang henerasyon at sa mga susunod pang salinlahi.

Sana ay hindi lamang tuwing ika-12 ng Hunyo natin nararamdaman ang pagkamakabayan at nasyonalismo. Mula sa ating makulay na kasaysayan, samahan pa ng taglay na likas na kagandahan ng bansang Pilipinas, tatlong mabubuting katangian at asal na pinamana sa ating mga magulang, masasabi nating sadyang masarap maging Pilipino.

Maligayang araw ng kalayaan sa ating lahat! Mabuhay ang lahi ng mga bayani! Mabuhay ang Pilipino! – Rappler.com

Published 8:14 PM, June 12, 2017

Updated 9:15 PM, June 12, 2017

Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay iprinoklama noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el Viejo (ang kasalakuyang Kawit, Cavite), Pilipinas. Binasa sa publiko ang (Kastila: Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino), na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista. Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Karanasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong 1896. Noong Disyembre 1897, nilagdaan ng pamahalaang Espanya at mga rebolusyonaryo ang isang kasunduan, ang Kasunduan sa Biak-na-Bato, na siyang nangangailangan sa Espanya na magbayad ng 800,000 piso sa mga rebolusyonaryo at maipatapon si Aguinaldo at iba pang mga lider sa Hong Kong. Noong Abril 1898, noong pumutok ang Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George Dewey lulan ng U.S.S. Olympia mula Hong Kong patungong Look ng Maynila at pinamunuan ang pagdating ng Asiatic Squadron ng Hukbong Dagat ng Amerika. Noong 1 Mayo, 1898, ginapi ng Estados Unidos ang Espanya sa Labanan sa Look ng Maynila. Nagpasiya si Emilio Aguinaldo na bumalik ng Pilipinas para tulungan ang hukbong Amerikano na labanin ang Espanya. Pumayag ang Hukbong Dagat ng ng Amerika na dalhin siya pabalik lulan ng USS McCulloch, at noong 19 Mayo, nakarating siya ng Cavite.

Ang pagpapahayag ng Hunyo 12[baguhin | baguhin ang batayan]

Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, 30 kilometro timog ng Maynila. Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas, na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit, na kilalala ngayon bilang Lupang Hinirang, na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.[2]

Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao, kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon. Ipinahayag ng huling talata na mayroong isang "estranghero" (extrangero sa wikang Kastila, na nangangahulugang dayuhan) na dumalo sa katitikan, si G. L. M. Johnson, na siyang inilarawan bilang "mamamayan ng U.S.A, isang Koronel ng Artilerya".[3] Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1 Agosto, kung kailan marami nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.[4][5]

Kinalaunan, sa Malolos, Bulacan, binago ng Kongreso ng Malolos ang kapahayagan sa dahil sa paggigiit ni Apolinario Mabini na siyang tumutol sa orihinal na proklamasyon na nagpapahayag na ang Pilipinas ay inilalagay sa ilalim ng proteksiyon ng Estados Unidos.

Pakikibaka para sa kasarinlan[baguhin | baguhin ang batayan]

Hindi kinalala ng Estados Unidos o ng Espanya man ang kapahayagan.

Kinalaunan, noong 1898, ibinigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris ng 1898 na siyang nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano.

Hini kinalala ng Pamahalaang Rebolusyonaryong Pilipino ang kasunduan o ang soberanya ng Amerika, at nakipaglaban sa Estados Unidos ngunit sila ay nagapi. Sila ay unang kinilala ng mga puwersang Amerikano bilang, minsa'y opisyal, na "Insureksiyong Pilipino" (Philippine Insurrection) ngunit kinalaunan tinawag ding itong Digmaang Pilipino-Amerikano, na siyang nagwakas noong madakip si Emilio Aguinaldo ng mga hukbong Amerikano,[6] at nagpahayag ng kaniyang pagkilala at pagtanggap sa soberanya ng Estados Unidos sa Pilipinas.[7] Sinundan ito noong 2 Hulyo 1902, noong nagpadala ng telegrapo ang Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos na si Elihu Root, na nagtapos na ang insureksiyon laban sa Amerika at naitatag ang mga pamprobinsiyang pamahalaang sibil sa halos lahat ng mga lugar liban sa mga lugar na tinitirhan ng mga tribong Moro.[8] Gayunpaman, may mga maliliit na rebelyon ding naganap sa mga sumunod na taon.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinagkaloob din ng Estados Unidos ang Kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa pamamagitan ng Kasunduan sa Maynila.[9] Sa Pilipinas, ang Araw ng Kalayaan ay ginugunita tuwing Hunyo 4 hanggang 4 Agosto 1964, sa pamamagitan ng mga mungkahi ng mga historyador at mga nasyonalista, nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Republika Blg. 4166 na siyang nagtatakda sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng bansa.[10] Nauna nang ginugunita tuwing Hunyo 12 ang Araw ng Watawat at maraming mga gusali ng pamahalaan ang hinihikayat na ibandera ang Watawat ng Pilipinas sa kanilang mga tanggapan.

Ang kasalukuyang lokasyon ng Pagpapahayag[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang Pagpapahayag.[1] Hindi siya ipinapakita sa publiko, ngunit maaari itong matignan ng may pahintulot, tulad ng ibang mga dokumento na nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan.

Noong kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakuha ng pamahalaang Amerikano ang mga 400,000 makasaysayang dokumento at ipinadala ang mga ito sa Estados Unidos.[11] Noong 1958, ipinagkaloob sa pamahalaang Pilipino ang mga dokumentong ito, kabilang na ang dalawang set ng microfilm ng buong koleksiyon, kung saan nasa pangangalaga ng Pamahalaang Pederal ng Estados Unidos ang isang set.[11]

Noong mga bandang dekada '80 o '90, ninakaw ang Pagpapahayag mula sa Pambansang Aklatan.[1] Dahilan sa pagkakaroon ng malawakang imbestigasyon ukol sa malawakang pagnanakaw ng mga makasaysayang dokumento at sa sinundang pampublikong apela para maibalik ang mga ito, ang Deklarasyon ay naisauli sa Pambansang Aklatan noong 1994 ni Milagros Guerrero, isang propesor ng Pamantasan ng Pilipinas.[11]

Ang teksto ng "Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino"[baguhin | baguhin ang batayan]

This seksiyong ito ay nangangailangan ng pagpapalawak. (June 2012)

Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino (Kastila: Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino) ay isang bahagi ng mahabang serye ng mga pagpapahayag ng kasarinlan, kabilang dito ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Estados Unidos. Kabilang dito ang listahan ng mga hinaing laban sa pamahlaang Kastila na siyang umaabot pa hanggang sa pagdating ni Fernando Magallanes noong 1521, at "ipinagkakaloob sa aming tanyag na Diktador Don Emilio Aguinaldo ang lahat ng kinakailangang kapangyarihan upang magawa niyang gampanan ang tungkulin ng Pamahalaan, kabilang na ang kaukulang karapatan ng pagbibigay tawad at amnestiya."[12]

Mga tala[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.01.11.2Rufo, Aries (2008-05-26). "Court set to decide on National Library pilferage of historical documents". Abs-cbnNEWS.com/Newsbreak. http://www.abs-cbnnews.com/nation/05/26/08/court-set-decide-national-library-pilferage-historical-documents. Hinango noong 29 January 2013. "Around 8,183 documents, mostly classified as Philippine Revolutionary Papers, were returned to the National Library. One University of the Philippines professor returned more than 6,000 documents. Among the retrieved documents were the manuscript of Andres Bonifacio’s trial, the Declaration of Independence, the Pact of Biac-na-Bato and Leonor Rivera’s letter to Rizal’s parents dated Dec. 10,1893." 
  2. ↑Agoncillo, page 157
  3. ↑Sinabi ni Dean Conant Worcester, sa kaniyang aklat noong 1914 na The Philippines: Past and Present (Worcester 1914) (sa wikang Ingles):
    "Invitations to the ceremony of the declaration of independence were sent to Admiral Dewey; but neither he nor any of his officers were present. It was, however, important to Aguinaldo that some American should be there whom the assembled people would consider a representative of the United States. 'Colonel' Johnson, ex-hotel keeper of Shanghai, who was in the Philippines exhibiting a cinematograph, kindly consented to appear on this occasion as Aguinaldo's Chief of Artillery and the representative of the North American nation. His name does not appear subsequently among the papers of Aguinaldo. It is possible that his position as colonel and chief of artillery was a merely temporary one which enabled him to appear in a uniform which would befit the character of the representative of a great people upon so solemn an occasion!"
    Pinalagay ni Worcester ang mga ito kay "Taylor, 26 A J.", na siyang tumutukoy kay Komandante J. R. M. Taylor, na siyang nagsalin at nag-ipon ng tala ng mga Insurekto.
  4. ↑Guevara, Sulpicio, ed. (1972), "Philippine Declaration of Independence", The Laws of the First Philippine Republic (The Laws of Malolos) 1898-1899., Manila: National Historical Commission, http://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/pageviewer-idx?c=philamer;cc=philamer;rgn=full%20text;idno=aab1246.0001.001;didno=aab1246.0001.001;view=image;seq=00000221, hinango noong 2008-03-26 . (English translation by Sulpicio Guevara)
  5. ↑Guevara, Sulpicio, ed. (1972), "Facsimile of the Proclamation of the Philippine Independence at Kawit, Cavite, June 12, 1898", The Laws of the First Philippine Republic (The Laws of Malolos) 1898-1899., Manila: National Historical Commission, http://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/pageviewer-idx?c=philamer&cc=philamer&idno=aab1246.0001.001&frm=frameset&view=image&seq=203, hinango noong 2008-03-26 . (Original handwritten Spanish)
  6. ↑Worcester 1914, p. 175
  7. ↑Worcester 1914, pp. 175–176
  8. ↑Worcester 1914, p. 180
  9. TREATY OF GENERAL RELATIONS BETWEEN THE UNITED STATES OF AMERICA AND THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES. SIGNED AT MANILA, ON 4 JULY 1946, United Nations, sininop mula sa orihinal na pahina noong 2009-03-26, http://web.archive.org/web/20090326035729/http://untreaty.un.org/unts/1_60000/1/6/00000254.pdf, hinango noong 2007-12-10 
  10. REPUBLIC ACT NO. 4166 - AN ACT CHANGING THE DATE OF PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY FROM JULY FOUR TO JUNE TWELVE, AND DECLARING JULY FOUR AS PHILIPPINE REPUBLIC DAY, FURTHER AMENDING FOR THE PURPOSE SECTION TWENTY-NINE OF THE REVISED ADMINISTRATIVE CODE, Chanrobles law library, August 4, 1964, http://www.chanrobles.com/republicacts/republicactno4166.html, hinango noong 2008-06-11 
  11. 11.011.111.2"Asiaweek". CNN. August 31, 1999. http://articles.cnn.com/1999-08-31/world/96_0830_nat9_1_philippine-independence-filipinos-batangas?_s=PM:ASIANOW. Hinango noong 29 January 2013. 
  12. ↑"Philippine Declaration of Independence". http://en.wikisource.org/wiki/Philippine_Declaration_of_Independence. Hinango noong 12 June 2012. 

Tignan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Panlabas na Kawing[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang orihinal na bandila na iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapahayag ng kalayaan noong 1898.
Paglalarawan ng pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas na makikita sa lumang limang piso.